NEGRITO 08-I-Witness Documentary

“NEGRITO 08”

Kara David’s I-Witness Documentary

Airing Monday: November 17, 2008

 

 

For her last documentary, Kara David found herself in a remote relocation site, where the nearest work to be found was an hour’s walk away, and where the former urban poor had to learn to farm for the first time.

 

This month, she lives with another community in transition, the nomadic Negrito tribesmen deep in the mountains of Sierra Madre. 
 

 

Kara endures a day long trek and the crossing of eight rivers to reach the community.  Once there, she joins the tribesmen on their daily search for food – hunting in the forest, fishing in the river and digging for taro in the mountains.

 

She helps them carry their makeshift homes – made of sack material and bamboo — to a new location, where they are more likely to find food. 

 

Abeling and Anna have long lived in such a tent.  The couple make extra income gathering stones by the river and selling them at 50 centavos per kilo.  The stones vary from the size of an egg to the width of a jeepney. 

 

They say they never needed money until their children learned to use shampoo, and buy items such as toys and slippers from the lowlanders.  Now they have to work to afford these extra indulgences.  And they have begun to consider sending their youngsters to school. 

 

Abeling realizes the priorities of this new generation of Negritos are changing.  He and the other elders worry about the materialism slowly taking hold of their culture. 

 

Kara David captures this community at the crossroads in her immersion documentary “Negrito 08” airing this Monday on I-Witness.

 

 

“NEGRITO 08”

I-Witness ni Kara David

Ngayong Lunes:  Ika-17 ng Nobyembre 2008

Noong nakaraang dokyu ni Kara David, sinubukan niyang manirahan sa isang relocation site sa Laguna.  Sa kanyang dokyu naman ngayong Lunes, susubukan namang manirahan ni Kara sa bundok ng Sierra Madre kasama ang mga negritong palipat-lipat ng tirahan.
Baon lang ang kaunting damit at jacket, halos magkandasugat-sugat si Kara sa pagtawid sa walong ilog para maabot ang komunidad ng mga katutubo. Para lubusan silang makilala, tinularan niya ang kanilang pamumuhay.  Naghanap ng makakain sa gubat, naghukay ng mga gabi sa bundok, nangisda sa ilog at nagbayo ng bigas-bundok para lang may makain.

Sa kanyang pagtira sa Sierra Madre nakilala niya ang mag-asawang Abeling at Anna na nakatira lang sa isang trapal na nilagyan ng kawayan. Ito ang karaniwang tirahan ng mga katutubo – madaling buhatin at madaling ilipat sa lugar na may pagkukunan ng pagkain. Ikinabubuhay ng mag-asawa ngayon ang pagkuha ng bato mula sa ilog na binebenta ng singkwenta sentimos kada kilo.  Iba-iba raw ang laki nito, mula sa laki ng isang itlog hanggang kasinglaki ng dyip! Kapag ganito na raw kalaki, kailangan na nilang tibagin para madurog ng maliliit.

Noon, hindi naman nila kailangan ng pera pero nang makatikim ang mga anak nila ng mga gamit tulad ng shampoo, tsinelas, laruan at pagkain ng mga tagapatag, kinailangan na nilang kumita ng pera para mabili ang mga ito.

Unti-unti nang nagbabago ang prayoridad ng mga nakababatang negrito.

Malaking pangamba ni Mang Abeling na baka mahirapan na silang panatilihin ang kanilang kultura. Samahan si Kara David manirahan sa Sierra Madre at kilalanin ang mga katutubo sa taong 2008, ngayong Lunes ng hatinggabi sa I-Witness.
 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: