Kara David “Promdi city”iwitness

“Promdi city”

Isang eksperimento ang susubukan ni Kara David sa kanyang dokumentaryo ngayong Lunes. Siya’y makikitira sa malaking resettlement site sa Cabuyao, Laguna kasama ang ilang pamilyang nagmula sa tabing riles. Dito niya mararanasan ang kondisyon ng mga bagong lipat.

Magsisimula ito sa pagco-commute ni Kara galing sa kanyang bahay papunta sa site sa Cabuyao, Laguna baon lang ang P1000. Sa biyahe pa lang, mababawasan na ng isandaan ang pera niya dahil sa layo ng lugar. Pagdating sa unit na kanyang titirhan, malalaman ni Kara na wala itong kasangkapan, tubig at kuryente. Kakailanganin niyang bumili ng mga gamit gaya ng kaldero, baso, higaan, uling, walis at kung anu-ano pa.

Magpapatulong si Kara sa ilang kapitbahay upang humanap ng mapapasukang trabaho. Umaabot ang ang pamasahe ng P80 kada araw papunta sa kanilang papasukan, kaya nilalakad na lang ito nila. Alas 4 ng madaling araw kung umalis ang mga papasok sa Calamba para maglinis ng ni-recycle na bote. Buong araw nagtratrabaho ang mga tao rito para kitain ang P161 sa paglilinis ng daan-daang bote.

Pangkaraniwan na ang kuwento ng mga galing probinsiya na naghahanap ng kapalaran sa siyudad. Marami sa makikilala ni Kara sa Cabuyao, kabaliktaran ang dinanas. Naninibago sila ngayon sa paggapas ng palay at sa buhay magsasaka dahil nagmula sa mga tabing riles ng Makati.

Isang kakaibang pagtalakay sa buhay sa loob ng mga resettlement sites. Ito ang susunod na dokumentrayo ni Kara David para sa I-Witness.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: